Martes, Setyembre 17, 2013

ANG MGA PARAAN PARA YUMAMAN KA PART 1

Dahil sa kasalatan ng mga tao sa kaalaman tungkol sa edukasyong pang-pinansyal ay nakakaisip na lang sila ng mga iba't-ibang paraan para yumaman imbes na magtayo ng negosyo - interesting! Isa sa mga halimbawa nito ay ang madalas na pagtaya ng mga tao sa lotto sa pagbabakasakaling manalo sila at maging multi-millionaire - fact: mas malaki ang tsansa na masagasaan ka ng sasakyan sa kalsada habang ikaw ay papunta sa patayaan ng lotto kaysa sa tsansang manalo dito. Ang iba naman ay todo kayod at pagsusubsob sa sarili sa paghahanap-buhay para makaipon ng malaking pera, at kung anu-ano pang ideya ang pumapasok sa mga taong ito na gustong yumaman - obsession na 'yan 'dre. Pero kung gusto mong yumaman, alamin mo ang pamamaraan na epektibo para sa iyo. Narito nga pala ang iba pang mga ideya o paraan para yumaman;

1. Mag-asawa ka ng mayaman.  Ito ang isa sa pinakapopular na pamamaraan para yumaman ka. Pero alam mo naman kung anong uri ng tao ang gagawa nito - baaaad!

2. Manloko ng kapwa.  a.k.a. mangurakot, magnakaw, scam, etc. Ang problema nga lang ay ang kasama ng manloloko ay manloloko rin. Mahirap i-push ang salitang "pagtitiwala" sa ganitong uri ng mundo. Magtitiwala ka ba kung ang kasama mo ay manloloko rin? Alam niyo kasi ang isang taong tapat magkamali man ay karapatdapat lamang na bigyan ng pangalawang pag-kakataon - 'di ba J****? At isa pa, kung ikaw ay isang taong tapat at natututo ka sa mga pagkakamali mo ('yung honest mistake ha) ay uunlad ka bilang isang mabuting negosyante. Pero kung ikaw ay isang manloloko at magkamali ka, sigurado sa kulungan ang bagsak mo o mas malala pa niyan ay ang mga kasama mong manloloko 'din ang hahatol sa 'yo sa sa pamamagitan ng kanilang sariling batas - katakot!

3. Maging gahaman (greedy). Ang mundo ay puno ng mga taong yumaman dahil sa pagiging gahaman. Ang mga mayayamang tao na gahaman ang pinakasusuklaman sa lahat ng uri ng mayayamang tao.

TRUE STORY: Pagkatapos ng stock market crash noong taong 2000, napakaraming istorya ang lumabas tungkol sa mga kumpanyang nag-palsipika ng kanilang mga talaang pang-pinansiyal, mga CEO na nagsinungaling sa kanilang mga investors, mga tao sa loob ng kumpanya na iligal na nagbenta ng mga stocks, at mga taong may matataas na posisyon sa mga kumpanya na nag-papayo sa kanilang mga empleyado na bumili ng shares sa kanila habang meron pa. Sa mga nakaraang buwan, punong-puno ng balita at mga kuwento tungkol sa mga nangunguna sa Enron, WorldCom, Arthur Andersen at mga Wallstreet analyst na nagsisinungaling, nandadaya at nagnanakaw. Sa madaling salita, ang iba sa mga mayayamang gahaman na ito nang dahil sa pagiging sobrang gahaman ay lumabag sa batas at naging mga manloloko. Sa mga unang taon ng ika-dalawampu't isang siglo ay maraming nailantad na mga kaso ng kasakiman, pangungurakot at kasalatan ng moral na pamamatnubay, nangangahulugan lamang na ang mga kriminal ay hindi lamang makikita sa mga nagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot, at sa mga nakamaskarang holdaper.

4. Tipirin ang sarili. Ito ang isa sa mga pinakapopular na pamamaraan ng ibang tao sa pagbabakasakaling sila'y yumaman. Ang ganitong uri ng mga tao ay 'yung mga tipong pinipilit pag-kasyahin ang sarili sa kakarampot na pera para makatipid kahit na malaki naman ang kanilang kinikita kumbaga "they live below their means" imbes na mag-isip ng paraan kung paano nila mas mapapalago ang kung anong meron sila - "expand your means" ika nga. Ang problema naman sa pagyaman mo sa pamamagitan ng sobrang pagtitipid ay mapera ka nga, mukha ka pa ring mahirap - nagtitipid nga eh. Marami na tayong narinig na mga kuwento tungkol sa mga taong kumikita ng malaki at gumagastos ng kakarampot, at namimili kapag may sales para lalo pang makatipid at makapag-ipon ng mas maraming pera. Pero kahit na marami na siyang pera ay namumuhay pa rin siyang tulad sa isang mahirap - this makes a little cents, I mean sense!

TRUE STORY: May isang tao na sinanay ang sarili sa sobrang pagtitipid, hindi siya gumagastos maliban na lang kung talagang kailangan. Ang nakakalungkot nga lang ay may tatlo siyang anak na gusto na siyang mamatay para makuha ang lahat ng kanyang naipong pera ng dahil sa kanyang pagtitipid. Namatay ang taong 'yun at nakuha ng tatlong anak ang kanyang ipong malaking pera. Pagkalipas ng tatlong taon ay nalustay ng tatlong anak ang lahat ng pera ng kanilang ama at sila'y nagbalik sa pagiging mahirap. Ang kanilang ama ay nagbuhay mahirap kahit maraming pera - sad story. Ang mga taong kumikita ng malaki pero namumuhay na parang mahirap dahil sa sobrang pagtitipid ay mga taong sumasamba sa pera, ginagawa nilang panginoon ang pera imbes na sila ang maging panginoon ng pera.

Kanta muna tayo: "Mabuti pa ang pera may mukha, ang mukha walang peraaaaa!!!!"

5. Isubsob ang sarili sa pagta-trabaho. Ang problema sa mga taong nagpapaka-hirap sa pagta-trabaho ay ang pagtatrabaho na lang ang alam nila. Wala na silang masyadong oras para sa kanilang sariling kaligayahan. Enjoy-enjoy din pag may time.

Ang mga taong buwis-buhay kung magtrabaho ay kumikita ng hindi tama or unfair. Lalo mong paghirapan ang pag-ta-trabaho mo lalong mas malaking tax ang ipapataw sa 'yo - o di ba unfair? Ang kinikita mo kasi sa pamamagitan ng pisikal mong pagta-trabaho ang nakakaltasan ng pinakamaling buwis o tax. Ang kita na may malaking pataw na buwis ay hindi matalinong pagkita.

6. Dapat matalino, talentado, maganda/guwapo, o bonakid ka.  Si Tiger Woods ang isang magandang halimbawa ng batang bonakid - pero hinubog niya ng maraming taon ang pagiging bonakid niya sa golf. Pero ang pagiging matalino, talentado, maganda/guwapo, o bonakid ay hindi makakapag-garantiya ng iyong pagyaman. Maraming mga bonakid na hindi naging mayaman. Punta ka sa Hollywood (sama mo ko) at makakakita ka ng maraming nag-gagandahan at nag-gagwapuhang talentadong mga artista na kumikita ng mas kaunti kumpara sa mga tipikal na tao. Ayon din sa istatistika, mayroon lamang 65 na porsiyento ng mga atleta ang naghirap pagkaraan ng limang taon mula ng matapos ang kanilang career at kumikita sila ng malaki. Sa mundo ng pera, hindi lang talino, talento, hitsura ang kakailanganin mo para yumaman - i-take note mo 'yan.

7. Suwerte. Alam naman nating napakaraming tao sa mundo ang nagbabakasakali sa kanilang suwerte para yumaman. Kaya naman tumataya sila sa lotto, karera ng kabayo, casino at maging sa laban ni Paquiao. Minsan kahit ending ng basketball pinapatulan na - at siyempre, Jueteng. Sasabihin ko sana Pork Barrel, hindi pala kasama 'yun, hehehe. Sa sakamaang palad ang ratio ng mga masusuwerteng tao sa mga minamalas ay 1: 10,000 - 1,000,000. At ayon sa pag-aaral, kadalasan sa mga taong nanalo ng pangarap nilang jackpot ay nagiging mahirap ulit pagkalipas ng limang taon. Kaya hindi porke't sinusuwerte ka ay yayaman ka na, ano ka sinusuwerte?

(GUYS PASENSIYA NA, INAANTOK NA KO, TO BE CONTINUED NA LANG, OK?)



1 komento:

  1. Merkur 37C Safety Razor Review – Merkur 37C
    The Merkur 37c https://jancasino.com/review/merit-casino/ is an excellent short handled DE nba매니아 safety https://octcasino.com/ razor. It is deccasino more suitable for both heavy and non-slip hands and is https://febcasino.com/review/merit-casino/ therefore a great option for experienced

    TumugonBurahin