Martes, Setyembre 17, 2013

Paano Nga Ba Yumaman?

Bakit "Paano ba Yumaman?" ang title ng blog na ito. Magtuturo ba ako ng mga paraan para yumaman kayo? Mayaman na ba ako para ituro sa ibang tao kung paano yumaman?

Sasagutin ko ang mga tanong na 'yan ng paatras. Hindi ako mayaman, actually baon pa nga ko sa utang eh. Magtuturo? Siguro wala pa akong karapatang gawin 'yan kasi ako mismo ay isa pa lamang ding mag-aaral - at balak ko talagang mag-aral kung paano yumaman for life. Bakit ganun ang title? Kasi 'yan din ang tanong ko at 'yan ang pinag-aaralan ko. Kaya hindi ako magtuturo, mas maigi sigurong sabihin ay mag-sheshare ako ng mga bagay na natutunan ko ngayon at matututunan ko sa hinaharap.

Parang ang pangit pakinggan at malamang marami ang mag-rereact. Magpapayaman ka? 'di ba parang bad 'yun? 'Di ba ang pag-ibig sa pera ay ugat ng kasamaan? Well ang masasabi ko lang ay nasa intensyon lang 'yan. Eh paano kung sabihin ko sa 'yo na hindi ang laki ng pera mo ang batayan ng kayamanan?

Ano daw? Parang ang weird 'di ba?

Kaya naman sana samahan niyo ako sa pag-tuklas ng mga exciting na bagay sa mundo ng pag-nenegosyo at pag-i-invest (kung meron mang gustong sumama). Tara, payamanin natin ang ating sarili ng mga astig na karakter ng isang tunay na negosyante.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento